Friday, December 12, 2008

A LIAR SMILE

My heart- already gutted
My soul was wounded
Memories- undying nightmare
What I feels no one care

No one knew that I had inside
Worst temper, hided tears
Wounds I cannot reveal
Deep scars I always feel

Many eyes though they stare
This life for me is a dare
Perhaps my heart cannot obey
Dying softly unaware

Until the day you shall return
Foreign feeling might takeover
You might ask perhaps that while
Through those years how've been I?
I'm proud to answer a liar smile.


SUKDOL

"Hindi mahihinog ng panahon
ang sariwang sugat ng kahapon.
Sugat na magpasahanggang kamataya'y
-'di sukat maghilom..."

May hapdi at kirot sa bawat pintig
Ngunit pusong tapat 'di matitigatig
Mapait na alaala'y lasong mabagsik
Lumalason sa pusong sa pag-ibig ay sabik.

Maginaw na gabi't madilim na langit
Dumadamay sa pusong ang iyak ay impit
Luha'y tila dugong dumadaloy
Walang dumidinig sa bawat panaghoy.

Mahinhing ihip ng hanging palaboy
Nagpapaawit sa mga sanga ng punong kahoy
Nagpapabanaag sa isang alaala
Matamis na kahapong doo'y kapiling ka

Paanong ang tamis ay nahalinhan ng pait
Ang bawat alaala'y dusa't hinagpis
Kalakip pala ng iyong huling halik
Pamamaalam, malabong pagbabalik

'Di makaaninag ang malilinaw na mata
Pinalabo't hinilam, luhang walang kapara
Sumasamo puso ko't kaluluwa
Umaasam sa isang bagong umaga

Liwanag ay lumaganap, nagniningning
Ang haring araw mula sa paghimbing
May hatid na pangako't simula
Ngunit hapdi sa puso'y 'di mawawala

Humihimig ang isang bagong umaga
Kahit ang buhay ko'y dapit hapon na
Nilalanghap ang hanging sariwa
Habang pintig ng puso'y dahan-dahang nawawala

Muli't muli sa pagdatal ng gabi
Panaghoy ng pusong nagkukubli
Oh anong tamis sa pag-alaala'y maidlip
Sa kamatayan ko mukha mo'y masilip.

Thursday, December 11, 2008

PARA SA IYO

Sayo'y nais kong ialay itong aking buhay
kalakip ay pag-ibig na walang kapantay
Sa bawat pighati na iyong maitatala
ako ang magpupunas sa bawat mong pagluha

Sa bawat panahong ika'y napahihiya
handa akong saluhin ang bawat pagkutya
Sa bawat tibok nitong aking dibdib
nais kong ikaw lamang ang makaririnig

Sayo'y nais kong ialay itong aking puso
dudulutan kita ng walang hanggang pagsuyo
Sa nakaraang mga pag-ibig na ika'y nabigo
ako ang tutupad ng libo nilang pangako.