"Hindi mahihinog ng panahon
ang sariwang sugat ng kahapon.
Sugat na magpasahanggang kamataya'y
-'di sukat maghilom..."
May hapdi at kirot sa bawat pintig
Ngunit pusong tapat 'di matitigatig
Mapait na alaala'y lasong mabagsik
Lumalason sa pusong sa pag-ibig ay sabik.
Maginaw na gabi't madilim na langit
Dumadamay sa pusong ang iyak ay impit
Luha'y tila dugong dumadaloy
Walang dumidinig sa bawat panaghoy.
Mahinhing ihip ng hanging palaboy
Nagpapaawit sa mga sanga ng punong kahoy
Nagpapabanaag sa isang alaala
Matamis na kahapong doo'y kapiling ka
Paanong ang tamis ay nahalinhan ng pait
Ang bawat alaala'y dusa't hinagpis
Kalakip pala ng iyong huling halik
Pamamaalam, malabong pagbabalik
'Di makaaninag ang malilinaw na mata
Pinalabo't hinilam, luhang walang kapara
Sumasamo puso ko't kaluluwa
Umaasam sa isang bagong umaga
Liwanag ay lumaganap, nagniningning
Ang haring araw mula sa paghimbing
May hatid na pangako't simula
Ngunit hapdi sa puso'y 'di mawawala
Humihimig ang isang bagong umaga
Kahit ang buhay ko'y dapit hapon na
Nilalanghap ang hanging sariwa
Habang pintig ng puso'y dahan-dahang nawawala
Muli't muli sa pagdatal ng gabi
Panaghoy ng pusong nagkukubli
Oh anong tamis sa pag-alaala'y maidlip
Sa kamatayan ko mukha mo'y masilip.
ang sariwang sugat ng kahapon.
Sugat na magpasahanggang kamataya'y
-'di sukat maghilom..."
May hapdi at kirot sa bawat pintig
Ngunit pusong tapat 'di matitigatig
Mapait na alaala'y lasong mabagsik
Lumalason sa pusong sa pag-ibig ay sabik.
Maginaw na gabi't madilim na langit
Dumadamay sa pusong ang iyak ay impit
Luha'y tila dugong dumadaloy
Walang dumidinig sa bawat panaghoy.
Mahinhing ihip ng hanging palaboy
Nagpapaawit sa mga sanga ng punong kahoy
Nagpapabanaag sa isang alaala
Matamis na kahapong doo'y kapiling ka
Paanong ang tamis ay nahalinhan ng pait
Ang bawat alaala'y dusa't hinagpis
Kalakip pala ng iyong huling halik
Pamamaalam, malabong pagbabalik
'Di makaaninag ang malilinaw na mata
Pinalabo't hinilam, luhang walang kapara
Sumasamo puso ko't kaluluwa
Umaasam sa isang bagong umaga
Liwanag ay lumaganap, nagniningning
Ang haring araw mula sa paghimbing
May hatid na pangako't simula
Ngunit hapdi sa puso'y 'di mawawala
Humihimig ang isang bagong umaga
Kahit ang buhay ko'y dapit hapon na
Nilalanghap ang hanging sariwa
Habang pintig ng puso'y dahan-dahang nawawala
Muli't muli sa pagdatal ng gabi
Panaghoy ng pusong nagkukubli
Oh anong tamis sa pag-alaala'y maidlip
Sa kamatayan ko mukha mo'y masilip.
2 comments:
wew! lalim...astig! napakatindi naman ng emosyon..ramdam na ramdam sa mga ginamit na salita.---> request naman pede gawa ka ng tungkol sa bulaklak kahit ano basta bulaklak yung title.plsplspls. ano po email u. may fs ka?
ah.. pasensiya na..hindi ko napansin na may comment pala hehe... Imagine 2009 ka pa nagrerequest. 2011 na ngayon. Sorry naman.. Hayaan mo pag nakita ko na yung tula ko dati ipopost ko dito. "BULAKLAK, PAROPARO, IKAW AT AKO."
Post a Comment